ANG AMING CLASS NIGHT

"Sama-sama ang mga Great Bananas"


Last na continuation please.......(Yung kalokohan noong gabi at noong umaga......)

Some words from the creator....
Ang mga isusulat ko dito ay mga nasagap ko lang na balita, o mga tsismis. Yung iba, pawang katotohanan. Wala sanang violence, demandas, suntukan, sipaan na mangyayari after makita noong mga tinamaan ng blind items.... TY. (RH)

    12:30 ng hating gabi na nga natapos yung teambuilding. It was already November 30, 1998. Well, nang matapos ang Team Building Session, dumiretso na sa pool yung iba. Yung iba naman, diretso sa billiards hall. Yung iba, nasa taas lang. Si Ali, nagigitara, ako pati si Ramon, nagpagatugtog lang ng radyo, sina Ton2xat yung ibang PCO members, nagmeeting pa. Maya-maya, dumating si Ms. Cuera at si Ms. Sandra sa swimming pool. Actually, ayaw nilang magswimming dahil MALE INFESTED daw ang pool, pero.....pumayag na rin.

Sone pics muna..........
just read the caption, @#$%^&*
Si Ms. Tina Cuera kasama ang kanyang gifted na klase..... (hulaan nyo na lang kung nasaan si Ms. Cuera)

just read the caption, @#$%^&*
Isa pa! Dito naman. (sorry, malalabo yung pictures talaga, e)

    Well, hindi ko na alam ang mga sumunod na mga pangyayari. Natulog kasi ako e, after natulog si Ms. Sandra at si Ms. Cuera. Actually ako lang ang may pinakamahaba ang tulog sa klase. Nagtanung-tanong na lang ako doon sa mga gising noong mga oras na iyon.

    Ayon sa mga nakalap kong mga balita, nagkaroon ng dalawang grupo sa klase. Yung iba, led by Ryan Franco, nag Spirit of the Coin. Yung iba, nasa billiards hall. May nangyari doon. Mamaya na iyan. Unahin muna natin ang mga nag Spirit of the Coin.......


just read the caption, @#$%^&*
Ang mga spirit seekers.....(Singit si Mr. Rono- yung naka smile)
Ang mga spirit seekers (from left to right): Bernard (Channel), Ryan, Gian, Karl (yung nakatalikod na green)

just read the caption, @#$%^&*
Isa pang picture..... (notice si PSY-yung natutulog) Tingnan nyong mabuti yung wall. Bakit ang liwanag ng wall? Could it be the spirit?

    Ayon sa mga nakalap kong balita, may na-meet daw ang mga spirit seekers na isang spiritu. Ang naturang spiritu ay biktima daw ng aksidente. Medyo inasar daw nila.... siyempre, kung sino yung channel (Bernard), siya daw yung bibisitahin ng spiritu. Kaya hindi makatulog si Bernard nang gabing iyon ay dahil takot siyang mabisita ng spiritu sa kanyang panaginip. Sabi ni Benjo(?) coincidence daw yung nangyari noong nabagsak yung sink kay Ryan Franco. Iyon daw ang resulta ng kanyang pag-iistorbo ng mga spiritu bago noong class night. Parang gumaganti lang yung spirit........


    Pumunta naman tayo sa billiards hall (Sorry kung walang pictures). Doon daw nangyari ang unexpected. Siyempre, tulog ang adviser namin, kaya ginawa na nung mga tao doon sa billiards hall ang pagkakataon. (If you want to see the full story, pumunta ka sa webpage ni Allan Sepillo, doon sa "Warping on some corny jokes and stories i'd like to share") Ewan ko talaga kung ano yung nangyari. Basta, ang alam ko, may naglabas ng inumin or liquid. (Kasama pa nila si Mr. Rono) Nagkatuwaan daw sila, according to my spies. Siyempre, yung mga nandoon, uminom ng naturang inumin (yung inuming nakakahilo at nakakapangpawala sa sarili....). Ang alam ko, tatlo ang nawala sa sarili. Yung isa, naghabol ng tsiks, (napagkamalang babae ang mga tao doon, e puro lalaki kami). Yung isa, nagsuka at natumba. Yung isa naman, nagtuturo sa itaas. Sinasabi niyang "Hoy, yung constellation Orion o!", gayong wala namang stars noong gabing iyon. Sumuray suray pa daw siya. Well pare-pareho silang natumba maya maya. So much for that.


    Nagising na lang ako at nagtanung-tanong sa mga tao doon. Halos lahat, hindi natulog buong gabi. Sinabi nila sa akin yung mga nangyari. Well, 7:30 na ng umaga noon. Time for brunch na daw, so kumain daw kami ng marami, sabi ng adviser namin. Ayan. Nagkainan na kami......

just read the caption, @#$%^&*
Kainan Na! (Notice yung iba... mukang inaantok)

    Ayan na nga. After that, naligo na kami, nag-pack up na kami, naglinis ng lugar... at umalis ng mga 10:00 a.m.. (Nice ending). Siyempre, yung iba, inaantok, so doon na sa bus natulog.....

     Lahat ng mga boys tulog. Pinagsamantalahan ni Ms. Cuera yung pagkakataon. Gumanti siya sa class.... kinuha niya yung camera niya, piniktyuran niya yung class habang natutulog. Kami nina Allan, ako and Myles lang ang gising, so papose-pose pa kami. Kinuha ni Allan yung camera ni Benjo, tapos nagkukuha na rin siya ng pictures. Yung iba, parang ang swit-swit. Yung iba naka simangot at seryoso, yung iba parang kaka LQ lang, yung iba parang nananaginip.

Some Bus Pictures na muna.... (Walang bugbugan.....)

just read the caption, @#$%^&*
Zzzzzzzzzzzzzzz......................
(si Allan yung mukang ewan na naka stick out yung dila)

just read the caption, @#$%^&*
Isa pa nga!...... (the Sleeping Beauties)

just read the caption, @#$%^&*
Dito naman sa likod!

    Nagising na lang ang mga boys nang marinig nila mula sa speaker. "Mabuhay. Thank You for riding Galleria Airlines. Until next time. Tomorrow, may Sleeping awards tayo". Si Ms. Cuera yung nasa ispiker. Lahat ng natulog, nalaman ang mga kabalastugan at katarantaduhang ginawa ng mga gising sa mga tulog. Nagalit sila, pero fair game lang naman iyon. Sa class, sila yung nagdodominate. Doon sa bus, kami naman. He He He! Sabi nila, gaganti daw sila....ewan sa kanila.... Basta dumating na kami sa La Salle, mga 11:30 am.

just read the caption, @#$%^&*
Nagising na rin ang mga boys........

    Pagdating sa La Salle, unti unti nang nag-aalisan ang mga bananamen....Yung iba, nag-spirit of the coin, yung iba nag-football, yung iba nagbadminton, yung iba bumili sa vending machine, yung iba diretso sa Galleria at Virra Mall, yung iba sinundo na. We said our goodbyes, tapos, nagsipagalisan na.

    Yeah. Back to reality na naman. Pasukan na naman. Tomorrow, December 1, may quiz pa kami sa Science, may interaction pa kami sa Miriam, etc. etc. etc. Well, the event was a memorable experience for all of us. Finally, we had a break from our studies. E Putang Ina, balik na naman sa pag-aaral. Well, that's it for now. Tenkyu.

-RH (Ian Carlo Ricohermoso), 011699
Hoy, walang bugbugan, ha?

*Pictures courtesy of: Ms. Tina Cuera, Benjo Delarmente * Scanning services courtesy of: Jaime Villanueva (your former I Igols) * Story courtesy of: RH (Ian Carlo Ricohermoso)* Special Thanks to: Benjo Delarmente, our project coordinator, PCO Members for organizing the teambuilding, yung may ari ng Ofrecio's Private Resort, and sa lahat ng dumalo for making this beautiful project possible*



COPYRIGHT � 1998 Ramon Felipe Di�o Rubio and Ian Carlo de Guzman Ricohermoso. All Rights Reserved
For comments, suggestions, or bug reports, contact Ramon and RH at
[email protected] and [email protected]
MADE PURELY WITH NOTEPAD
No Web Page Editors were used during the production of this site...

Pinaghirapan ni: Carlo Ricohermoso